Back to top.
Talumpati ni Justin Jalandoni

Magandang araw mga kapwa magaaral, mga guro, at mga magulang. Dumating na rin sa wakes ang araw na pinakahihintay natin.Pagkatapos ng apat na taon ns puno ng mgs aral ay lilisan na rin tayo st pupunta patungo sa ating mga pinapangarap. Sa nakaraan ns apat na taon, naging mahuhusay na tao tayo. Hindi naging madali ang ating mga pinagdaanan at mga pagsusubok na hinarap, ngunit dahil sa mga ito ay nahubog natin an gating mga sarili. Napakasarap st napakasaya talaga ng mga panahon natin ditto sa mataas na paaralan ng Ateneo at nakakalungkot isipin na magwawakas na ito. Pero sabi nga nila kailangan natin bumaba sa bundok at makibahagi. Sa huli gusto ko lang sabihin na binabati ko kayo at maraming salamat!

02.20.11 0
Talumpati ni Miguel Lingan

   Magandang umaga po sa inyong lahat. Nandito po ako ngayon upang sabihin ang lahat ng nilalaman ng puso ko. Unang-una, salamat. Salamat sa mga nabigay niyong masasaya at malulungkot na karanasan. Kung hindi dahil sa mga karanasan na ibinigay niyo sa akin, wala akong natutunan na mga importanteng aral sa buhay. Salamat at nabigyan ako ng pagkakataon na makapag-aral dito sa Mataas na Paaralan ng Ateneo. Marami talaga akong natutunan sa pag-aaral ko dito. Pangalawa naman, nais kong magpaumanhin. Alam ko na marami akong nagawang kasalanan sa inyong lahat. Inaamin ko na may pagkakamali din ako. Patawarin niyo man ako o hindi, nais ko lang talaga magpaumanhin. Sa huli, ang masasabi ko lang ay kung hindi dahil sa inyong lahat, wala ako ngayon. Wala ang Miguel Lingan na minahal niyo. Wala ang Miguel Lingan na nagpasaya sa inyong lahat. Ako po si Miguel Karlo S. Lingan nagtatapos sa taong 2010-2011. Salamat.

02.20.11 0
Talumpati ni Anton Lugtu

   Magandang umaga sa inyong lahat. Mga guro, mga kaklase, at mga magulang. Gusto ko lang naman sabihin na nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng pagkakataon magsalita sa harap niyo para magbigay nitong speech na ito. Ngunit, ma-tanong ko lang sa inyo, alam niyo ba talaga ang pakiramdam ng pagiging isang valedictorian? Kung tutuusin hindi rin naman ganun ka ispesyal ang pagiging ganito. Mahirap din ‘to ‘no! Nagtataka siguro kayo kung bakit at ang masasabi ko lang ay lagi nalang kasing ako. Ako ang taga gawa ng proyekto kapag may ibinigay, ako ang taga sagot kapag tambalan o group ang gawain, ako ang tinatanong kapag hindi masagot ng iba kong kaklase ang ilang mga tanong sa pagsusulit. Malabo man, ay sana maintindihan niyong mahirap, dahil sa lagi kang inaasahan. Inaasahan akong lagi akong tama at dahil dito’y hindi ko magawang magkamali. Ako ang inaasahn, eh! Kaya kung sa palagay mong ako nanaman, ang swerte ko at kung ano pa. Ipasok mo ang mga paa mo sa aking mga sapatos, at maiintindihan mong hindi lahat ito ay masarap. Marami ang dumedepende sa akin at hindi ko sila pwedeng ipatalo. Hindi ko rin naman sinasabing sana hindi ako ang nagsasalita sa harap ninyo ngayon, ngunit sinasabi ko lang sa inyo na hindi rin puro positibo ang mga nakukuha sa pagiging ganito. Magtatapos na tayo, bagong buhay sa kolehiyo bagong simula. Galingan niyo lahat, kung san man kayo mapadpad. Asahan niyong nandito lang ako para tumulong at sumagot sa ibang mga problemang hindi niyo malutasan. Hanggang sa muli, Antonio Lugtu.

02.20.11 0
Talumpati ni Markee Manaloto

   Mabuhay mga kamag-aral, mga guro, magulang at mga opisyal ng eskwelahan! Ngayon na aalis na ako sa Ateneo de Manila High School, nais kong ilahad ang nagging karanasan ko dito sa paaralang na ito.

            Apat na taon akong nagsaya, naghirap, nagsikap, at natuto upang makarating kung saan ako ngayon. Wala ang lahat ng aking natanggap na parangal kung hindi ako naging isang responsible na Atenista, na sumusunod sa 5 Cs, at may plano para sa aking kinabukasan. Isa talagang pribilehiyonamakapag-aral dito sa Ateneo dahil ibang klase ang pagtuturo ng eskwelahang ito. Kung mayroon man akong natutunan dito, ito ay ang pagiging magaling sa pag-isip at magsuri ng anumang bagay. Isa pang bagay na malupet sa eskwelahang ito ay buo magturo ng mga aralin. Ang Ateneo at kapwa Atenista ang tumulong sa akin upang maging magaling na estudyante, kahit ordinaryong tao lang ako kaya handa na ako sa kolehiyo at kayo rin mga kapwa kong Atenista dahil kung kaya ko, kaya niyo rin!

02.20.11 0
Talumpati ni Sak Matibag

   Mga Kamag-aral ko sa 4D, Kabats, guro, lalung-lalo na kina G.Guerrero, G. Sabio, G. Nacionales. Ang APSA, si G. Bilog, APFoR, Fr. Eli, APAA, G. Santos at ating principal na si Fr. RB, mga kaibigan, kama-anak at higit sa lahat ang ating kaisa-isang mga magulang, magandang gabi po sa inyong lahat. Unang-una gusto kong sabihin na di-madaling makaabot ditto sa kinatatayuan ko ngayon. Pero lahat ito’y nagging posible salamat sa akig mga kaibigan, mga Dboys, aking magulang at sa Poong may kapal. Mga kabats ko, kahit na gumradweyt na tayo dito sa mataas na paaralan, isa lang ang masasabi ko, di pa tapos ang laban. Ipagpatuloy lang natin ang pag-aaral, pag-sunod 5 “C’s” at ang pagiging MAGIS, dahil itong ang mga bagay na di lamang mag-sasabi na tayo ay mga atenista kundi ito rin ang tutulong sa atin para makamit natin an gating mga pangarap. Sa aking apat na taon ditto sa mataaas na paaralang Atene, natutunan ko ang konsepto ng Magis. Nung una di koi to masyadong naintindihan ngunit nang kinalaaunan, nakuha ko rin ang ibig nito iparamdam. Ngayong gradweyt na tayo, dapat natin tandaan ulit di pa tapos ang lahat, kumbaga, ito’y umpisa lang ng ating buhay. Ipagpatuloy lang natin ang laban.

02.20.11 0
Talumpati ni Jak Mayo

   Magandang araw sa inyo: mga administrador, guro, kawani, magulang, kapatid, kamag-anak at ang aking minamahal na mga kaklase. Alam kong tapos na ang ating pagsasama sa Mataas na Paaralang Ateneo, ngunit hindi ito ang pagtatapos ng ating pagsasama bilang mga kaibigan at kapatid sa buhay na ating ilulunsad sa darating na mga panahon. Unang una sa lahat, nagpapasalamat ako’t naging bukas ang inyong mga isipan at puso sa isang pagsasamang napakahalaga para sa akin (pati na rin siguro sa inyo). Ang pagsasama ng tatlong na taon (sa iba’y na sa lalong matagal na panahon pa) ay naging napakasaya at napakakulay para sa akin. Iba’t ibang uri ng tao ang aking nakilala, ngunit iisang damdamin, iisang klase, iisang puso’t isip ang ipinakita. Ibang iba talaga ang kaswertehan na naipamalas sa atin ng Ateneo dahil kung hindi tayo nagkasama ng tatlong taon, sa aking palagay, ay hindi tayo ganito sa isa’t isa ngayon. Malaki talaga ang pasasalamat ko, walang duda iyon. Hindi ko na kayo patatagalin pa, uulitin ko lamang na maraming salamat para sa lahat lalo na sa pagiging isang malaking bahagi sa buhay ko bilang isang estudyante, kaklase, kapatid at lalong-lalo na ang pagiging isang mabuting kaibigan sa akin. Mahal ko kayong lahat.

02.20.11 0
Talumpati ni Franz Villafaña

   Sa simula ng aking pag-aaral ng Sekondarya dito sa mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila ay nagmimistulang napakahaba at napakatagal ng apat na taon. Ngayon parang kahapon lang, kumukuha pa ako ng entrance test dito sa mataas na Paaralan. Sa nakalipas na apat na taong pananatili ko rito, napakarami ang aking natutuhan at natuklasan ngunit iilan lamang ang tunay na mahalaga. Malayo ang mararating natin dito sa mundo kapag marami tayong napag-aralan pero mas malayo ang mararating natin kapag nahubog tayo at ang ating mga kaugalian nang maayos at naaayon sa tama. Maaari na nating isantabi ang ating mga araling pang-akademiko kapag maayos ang paghubog sa atin. Hindi man malayo ang mararating natin dito sa mundo, abot-langit naman tayo paglabas natin dito. At iyon ang tunay na mahalaga.

02.20.11 0
Talumpati ni Ramon Nario

   Magandang araw po sa lahat ng mga magulang, kapatid, kaibigan at sa karamihan na narito ngayon sa pagdiriwang ito. Sa wakas, pagkatapos ng apat na taon na puno ng paghihirap at mga pagsubok, nasa dulo na tayo ng daan papuntang kolehiyo. Palapit na ng palapit and panghinaharap na ating sinimulang isulong noong una tayong natutong mag-aral. At dahil sa Ateneo kung saan tunay na pinapahalagahan and pag-aaral, nagiging mas handa tayongs labanin and mga mga pagsubok ng mundo. Dito tayo natutong maging mas matrabaho, mas matiyaga, mas matalino, mas masipag at mas mapagmahal sa Diyos na nagbigay ng napakaraming biyaya sa lahat. Sigurado akong hindi nating lahat makakalimutan ang mga pangyayaring naganap dito, kahit na patuloy tayong tumatanda. At sana, lahat ng mga natuto natin ay isasabuhay hanggang kamatayan.

02.20.11 0
Talumpati ni JC Obnial

   Padre Hizon, G. Santos, G. Bilog, Padre Lumbo, mga guro, mga magulang at kapwa mag-aaral, magandang umaga. Narito ako sa harap ninyo bilang isang kapwa mag-aaral, isang taong naghihirap tulad ninyo at isang kaibigan. Katulad ninyo nakaharap rin ako ng maraming mga pagsubok, maraming hirap, maraming bigat ng kalooban. Katulad lang ako ninyo, walang kaibahan, dahil ditto pare-pareho tayo ng mga natutuhan. Ngunit sa kolehiyo, mas marami pa tayong haharaping mga hirap at pagod na kung iisipin natin ay hindi natin sila kakayanin. Pare-pareho tayonglahat ng nakuhang aral at dapat natin itong gamitin sa labas ng mataas na paaralan; makatutulong silang lahat. Magagamit natin ang napagsanayang pagtitiyaga, pagpupursigi, at pananalig sa Diyos, at huli sa lahat ang mga magagandang alaala na magpapalakas sa atin upang harapin ang mas malaking pagsubok na tinatawag nating buhay.

02.20.11 0
Talumpati ni Rayf Panotes

Mga minamahal kong mga kaklase,

   Apat na taon na rin ang nagdaan nang tayo ay unang nakasampa sa mataas na paaralan ng Ateneo. Magkasama na tayong lahat ng tatlong taon at ang ilan sa inyo ay nakasama ko na noong unang panahon pa. Gusto ko lang sabihin na dahil sa inyong lahat, nagging Masaya at makabuluhan ang pamamalagi ko dito sa mataas na paaralan natin. Dahil sa inyong lahat, masnakilala ko ang aking sarili at natutunan ko maging masmabuting tao. Natuklasan ko na kahit sabihin man na mahaba ang baba mo, bagsakan ka minsan sa mga pagsusulit o kaya balak mo mag-stag sa gradball, kahit ano ka pa ay hindi hadlang sa tunay na pagpapakatao. Hindi ko sinusukat ang kagandahan ng buhay ko dito sa mataas na paaralan batay sa taas ng marka sa mga pagsusulit, sa kasikatan o sa dami ng mga na-iskor na babae. Binabatay ko ito sa mga pagkakataong nagkaisa tayong lahat sa saya, lungkot pati na rin sa pagkaburat. Sa huli, gusto ko lamang magpasalamat sa pagkakataong binigay ninyo sa akin upang maglingkod sa inyo bilang pangulo ninyo. Isang karangalan ito para sa akin. At ngayon, sa pagtatapos natin, huwag natin isipin na dito na magtatapos ang saya. Hindi pa tapos ang kuwento ng bawat isa sa atin. Salamat at pagpalain kayo ng Diyos.

Ang inyong lolo,

Rayf

02.20.11 0